Nang-insultong manonood, kailangan nang patulan – Medvedev
Sinabi ng world number one na si Daniil Medvedev, na wala na siyang pagpipilian kundi ang patulan ang isang manonood ng tennis na nanlibak sa kanya, pagkatapos ng kanyang pagkatalo sa laban nila ni Nick Kyrgios sa Montreal.
Ang video ng insidente ay nai-post sa social media.
Gayunman, tumanggi si Medvedev na idetalye pa kung ano ang mga sinabi niya sa batang manonood na tinawag siyang “loser.”
Ngunit sinabi niyang napilitan siyang pumatol nang ang pang-i-insulto ay manggaling sa taong nakatayo kasama ng grupo ng fans sa entrada ng locker room.
Ayon kay Medvedev, “I was disappointed after losing the match (in three sets to Kyrgios). But when someone mocks me, I’ll respond. It would be bad to let people shout bad things at me and just keep walking. I will ask what his problem is.”
Kinuwestiyon din ni Medvedev ang pagiging magulang ng ama ng batang manonood, na nakatayo sa tabi nito at nakikihalo rin sa pang-iinsulto.
Kuwento ni Medvedev, “The father of the guy said something to me also — I say educate your kid. I won’t let people mock me.”
Aniya, ang naturang “harsh treatment” ay malayo sa tunay na buhay. “This is one of the first times it’s happened to me, it doesn’t really happen a lot. On social media (criticism and insults) are a bit out of control.”
Samantala, sa isang tweet ay sinuportahan ni Kyrgios si Medveded makaraang lumabas sa social media ang video.
Aniya, “Disgusting behaviour. This is the best we have in the sport, fans need to show some respect.”
© Agence France-Presse