Napatalsik na si Supreme Court Chief Justice Sereno, bukas na kumandidato sa 2019 Mid-term elections
Ikinukunsidera na ng napatalsik na si Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno na tumakbo sa 219 midterm elections.
Ayon kay Senador Antonio Trillanes, isa sa mga miyembro ng selection committee ng oposisyon, isa sya sa mga personal na kumausap at kumukumbinse kay Sereno.
Sinabi ni Trillanes na ipinaliwanag niya kay Sereno ang pangangailangan na magkaroon ng isang matapang na kandidato.
Pero nakiusap aniya si Sereno na bigyan pa sya ng pagkakataon na mag-isip at alamin ang pulso ng publiko dahil isang mabigat na desisyon ang pagsabak sa pulitika.
Sabi ni Trillanes sakaling pumayag si Sereno at iba pang kandidatong ikunukunsidera ng oposisyon, isusumite nila ang listahan kay Vice-President Leni Robredo at posibleng maglabas ng kanilang mga kandidato sa Setyembre.
Ulat ni Meanne Corvera