Nasa 148 beneficiaries ng 2nd tranche ng SAP, sa brgy. Maduya Carmona Cavite nakatanggap na ng kanilang financial aid.
Aabot sa mahigit isaang daan o 148 beneficiaries ng Social Amelioration Program ng DSWD, ang nakatanggap na ng kanilang second tranche payout ngayong araw sa Barangay Maduya, Carmona Cavite.
Ayon sa DSWD IV-A, nagkaroon sila ng delay sa pamamahagi ng financial aid dahil sa mga naging problema sa financial service provider (FSP) ng ahensya kung saan mahigit 200,000 benepisyaryo sa buong Region IV-A, ang naapektuhan, kabilang na ang Bayan ng Carmona Cavite.
Sa kasalukuyan ay nai-ayos na ito ng Accounting Division ng DSWD maging ang reprocessed payroll upang maibigay sa mga bagong Financial Service Provider kagaya ng Money Remittance Center.
Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng Carmona Local Govt Unit sa DSWD Reg. 4a para mabigyan na ang lahat ng benepisyaryo sa kanilang bayan na hindi pa nakakakuha ng second tranche ng financial aid mula Social Amelioration Program ng DSWD.
Ulat ni Jet Hilario