Nasa 200 pamilya inilikas ng Calamba City Gov’t sa Barangay Palingon dahil sa Bagyong Rolly

Aabot sa 200 pamilya ang agad na inilikas ng mga tauhan ng City Government of Calamba sa Barangay Palingon dahil sa epekto ng bagyong rolly sa laguna province. 


Pansamantala muna silang inilagak ng mga tauhan ng CIty Disaster Risk Reduction Management Office, sa 3 covered court at sa 3 silid aralan na nasa Palingon Elementary School, kasama na ang 10 classroom sa Palingon National High School.


Nagtalaga naman ang city government ng mga day care workers para umasiste at tumulong sa pangangailangan ng mga evacuees na naapektuhan ng kalamidad. 
Nagpapatuloy din ang pamamahagi ng mga relief goods sa mga apektadong residente sa Calamba City ng bagyong rolly.

Ulat ni Jet Hilario

Please follow and like us: