NASA kinolekta ang ‘space debris’ na bumagsak sa bahay ng isang lalaki sa Florida

AFP

Sinabi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA), na susuriin nila ang isang bagay na bumagsak mula sa kalawakan sa bahay ng isang lalaki sa Florida, na maaaring isang piraso ng debris na nahulog mula sa International Space Station (ISS).

Sa kaniyang social media post ay sinabi ni Alejandro Otero ng Naples, Florida, “The item tore through the roof and went (through) 2 floors of my house, almost striking my son, on the afternoon of March 8.”

Naniniwala siya na iyon ay isang piraso ng isang cargo pallet na naglalaman ng mga lumang baterya, na ini-release ng NASA ground control teams mula sa orbital outpost noong 2021.

Ayon sa official projection, dapat ay nasunog na ito nang hindi nakapipinsala sa atmospera ng Mundo noong Marso 8.

Si Otero ay nagpost din ng isang clip mula sa kaniyang home Nest video camera kung saan sinabi niya na ang tunog nang pag-crash nito sa kaniyang bubungan ay narinig sa oras na 2:34 pm.

“So that’s 1934 UTC, which is very consistent with the Space Force estimate of reentry over the Gulf at 1929 UTC,” tugon ng astrophysicist na si Jonathan McDowell, at sinabi pa, “I think you may be right and it’s a bit from the reentry of the EP-9 battery pallet.”

Ang pangyayari ay unang ibinalita ng local news outlet na winknews.com noong March 15.

Sa kanilang pahayag ay sinabi ng space agency, “NASA collected an item in cooperation with the homeowner, and will analyze the object at NASA’s Kennedy Space Center in Florida as soon as possible to determine its origin. More information will be available once the analysis is complete.”

Isang ulat naman ng dalubhasang news outlet na Ars Technica ang nagsabi na bagama’t ang mga baterya ay pag-aari ng NASA, nakakabit ito sa isang pallet structure na inilunsad ng space agency ng Japan, na potensiyal na magiging dahilan upang maging kumplikado ang liability claims.

Kasama sa mga nakaraang halimbawa ng manmade human space debris na tumama sa Mundo, ay ang piraso ng isang SpaceX Dragon capsule na nag-landing sa isang Australian sheep farm noong 2022. Ang Skylab, na unang space station ng United States, ay nahulog naman sa Western Australia.

At kamakailan lamang, ang China ay pinuna ng NASA dahil pinayagan nito ang higante nilang Long March rockets na bumagsak pabalik sa Mundo pagkatapos ng kaniyang orbit.

Administration

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *