NASA kinumpirmang space station debris ang tumama sa bahay ng isang lalaking taga Florida
Kinumpirma ng NASA na ang bagay na bumagsak at tumama sa bahay ng isang lalaki sa Florida, ay piraso ng debris mula sa International Space Station (ISS).
Matatandaan na noong Marso 8 ay ipinost ni Alejandro Otero ng Naples, Florida sa social media platform na X, na isang metallic item ang tumama sa kanilang bubong at lumusot sa dalawang palag ng kanilang bahay, na muntik nang tumama sa anak niyang lalaki.
Ayon sa space watchers, “It occurred at a time and location that closely matched official predictions for the atmospheric burn-up of a cargo pallet fragment carrying old batteries that was jettisoned from the orbital outpost in 2021, making it a likely match.”
Kasunod naman ng pagkuha ng NASA sa nabanggit na bagay mula kay Otero upang isailalim sa analysis, ay kinumpirma nila sa isang bagong blog post na tama ang prediksiyon.
Sinabi ng NASA, “Based on the examination, the agency determined the debris to be a stanchion from the NASA flight support equipment used to mount the batteries on the cargo pallet.”
Dagdag pa nito, “The object is made of the metal alloy Inconel, weighs 1.6 pounds (0.7 kilograms), is 4 inches (10 centimeters) in height and 1.6 inches in diameter.”
Nangako rin ang US space agency na i-imbestigahan kung paanong ang debris ay hindi lubusang nawasak sa atmospera, at sinabing i-a-update nito ang kanilang engineering models.
Ayon dito, “NASA remains committed to responsibly operating in low Earth orbit, and mitigating as much risk as possible to protect people on Earth when space hardware must be released.”
Sa isang ulat ng specialist news outlet na Ars Technica noong nakaraang buwan, nakasaad na bagama’t ang mga baterya ay pag-aari ng NASA, nakakabit naman ito sa isang pallet structure na inilunsad ng space agency ng Japan, na lubhang magbibigay ng kumplikasyon sa liability claims.
Kasama sa mga nakaraang halimbawa ng manmade human space debris na tumama sa Mundo, ay ang bahagi ng SpaceX Dragon capsule na lumapag sa isang Australian sheep farm noong 2022. Ang Skylab, ang unang space station ng United States, ay nahulog naman sa Western Australia.