NASA, nawalan ng kontak sa kanilang mini-helicopter sa Mars
Nawalan ng kontak ang NASA sa maliit nilang helicopter na tinatawag na Ingenuity, sa ika-72 flight nito.
Sinabi ng NASA, na tinatangka ng kanilang mga inhinyero na ire-establish ang komunikasyon, na bigla na lamang nawala noong Huwebes habang bumababa ang helicopter mula sa isang test flight.
Ang Ingenuity, na nakakahawig ng isang malaking drone, ay dumating sa Mars noong 2021 kasama ng rover na Perseverance, at ito ang naging kauna-unahang sasakyang de-motor na lumipad sa ibang planeta.
Ang mga data mula sa flight ng helicopter ay itina-transmit pabalik sa Mundo sa pamamagitan ng Perseverance.
Ayon sa NASA, “On its flight Thursday, ‘a quick pop-up vertical flight to check out the helicopter’s systems, following an unplanned early landing during its previous flight,’ Ingenuity successfully attained an altitude of 40 feet (12 meters).”
Dagdag pa nito, “But ‘during its planned descent, communications between the helicopter and rover terminated early, prior to touchdown.’ The Ingenuity team is analyzing available data and considering next steps to reestablish communications.”
Sa isang social media post, ay sinabi ng Jet Population Laboratory ng NASA, “Perseverance was temporarily ‘out of line-of-sight with Ingenuity,’ but the team could consider driving closer for a visual inspection.”
Dati na ring nawalan ng kontak ang NASA sa helicopter, kung saan sa isang pagkakataon ay tumagal ito ng dalawang buwan noong nakalipas na taon.
Nalampasan na ng mini rotorcraft, na four pounds (1.8 kilograms) lamang ang bigat, ang original goal nito na limang flights sa loob ng 30 araw sa pulang planeta.
Sa kabuuan, nasakop na nito nito ang mahigit 10 milya (17 kilometro) at umabot sa taas na hanggang 79 talampakan (24 metro).
Kasama ng Perseverance, ang Ingenuity ay nagsisilbing isang aerial scout, upang tulungan ito sa pahahanap ng mga posibleng palatandaan ng sinaunang microbial life sa Mars.