Nasawi dahil sa baha sa Ecuador umakyat na sa 28

Rescue workers are seen at the site where a sports field was swep away, in Quito on February 2, 2022. – The heaviest flooding to hit Ecuador in two decades has killed at least 24 people in Quito, inundating homes, swamping cars and sweeping away athletes and spectators on a sports field, officials said Tuesday. (Photo by Rodrigo BUENDIA / AFP)

Umakyat na sa 28 ang nasawi bunsod ng pinakagrabeng baha na naranasan ng Ecuador sa dalawang dekada, at 52 naman ang nasaktan.

Sinira ng baha ang mga bahay, tinangay ang mga sasakyan, maging ang volleyball players at mga manonood sa isang sports field.

Hinahanap pa rin ng rescuers ang nawawalang 38-anyos na babae na nakatira sa popular na La Comuna neighborhood sa Quito, kapitolyo ng Ecuador.

Ang ulang bumagsak sa Quito sa loob ng 17 araw na tuloy-tuloy ay nagbunsod ng pagbaha at pagbugso ng putik na sumira ng mga kalsada, agricultural areas, mga klinika, eskuwelahan, isang istasyon ng pulis at isang electric power substation.

Rescue workers are seen at the site where a sports field was swep away, in Quito on February 2, 2022. – The heaviest flooding to hit Ecuador in two decades has killed at least 24 people in Quito, inundating homes, swamping cars and sweeping away athletes and spectators on a sports field, officials said Tuesday. (Photo by Rodrigo BUENDIA / AFP)

Ayon kay Quito mayor Santiago Guarderas . . . “The total number of dead is 28, 52 people were injured, seven of whom were hospitalized. Monday’s downpour brought down 75 liters per square meter (1.8 gallons per square foot) following 3.5 liters on Saturday. This is a record figure, which we have not had since 2003.”

Kaugnay nito ay nagtakda na ng three days of mourning ang Quito, isang siyudad na nasa 2.7 milyon ang populasyon.

Dalawampu’t dalawa sa 24 na lalawigan ng Ecuador ang tinamaan ng malalakas na mga pag-ulan simula pa noong Oktubre, na ikinasawi ng 44 katao.

© Agence France-Presse

Please follow and like us: