Nasawi sa bagyong Freddy sa Malawi, umabot na sa 326
Higit 400 na ang kabuuang bilang ng mga biktima sa magkabilang panig ng southern Africa simula noong Pebrero, matapos umakyat sa 326 ang mga namatay sa Malawi bunsod ng bagyong Freddy.
Marami pang mga bangkay ang nahukay ng mga rescuer, habang ang tyansang may makita pang mga buhay ay lumalabo na makaraang bumwelta ng bagyo para muling manalasa sa mainland ng Africa sa ikalawang pagkakataon.
Sinabi ni President Lazarus Chakwera ng Malawi, “As of yesterday, the death toll from this disaster has risen from 225 to 326. The number of people displaced has more than doubled to 183,159, as has the number of households displaced, which now stands at 40,702.”
Muli ring nanawagan ng tulong si Chakwera, habang patuloy ang mga rescuer sa paghahanap ng survivors ng baha at mudslides na dulot ng malakas na pag-ulan.
Mahigit sa 300 emergency na ang itinayo, habang idineploy naman ang army at pulisya upang tumulong sa krisis.
Idineklara rin ang dalawang linggong national mourning at isang state of emergency sa bansa.
Ayon kay Chakwera, “The cyclone has destroyed property, homes, crops, and infrastructure, including bridges that have cut off communities that desperately need help.”
Ang bagyo ay unang tumama sa southern Africa sa huling bahagi ng Pebrero, nanalasa sa Madagascar at Mozambique ngunit bahagya lamang ang idinulot na pinsala sa Malawi.
Pagkatapos ay bumalik ito sa ibabaw ng Indian Ocean, kung saan ito nag-ipon ng higit pang lakas mula sa mainit na tubig bago bumwelta para hampasin ang mainland sa ikalawang pagkakataon.
Ang mga pag-ulan ay humina na mula noong Miyerkules, ngunit ang bagyong Freddy ay nasa landas pa rin upang maging isa sa pinakamahabang tropikal na bagyo sa mundo.
Sa Mozambique, ang bagyo ay ikinasawi ng hindi bababa sa 73 at libu-libo ang lumikas sa nakalipas na mga linggo, habang karagdagan pang 17 ang namatay naman sa Madagascar.
Umapela rin si President Filipe Nyusi ng Mozambique, para sa emergency aid upang muling itayo ang mga nawasak na imprastraktura matapos bisitahin ang nasalantang lalawigan ng Zambezia, na nasa hangganan ng Malawi.
Sinasabi ng mga meteorologist na ang cyclone ay kakaiba sa tagal nito, at may mga katangiang naaayon sa mga babala tungkol sa pagbabago ng klima.
Sinabi ni Randall Cerveny ng World Meteorological Organization, “It’s been an incredibly long-lasting storm. We can see from today’s satellite imagery and from the last couple of days it has dissipated.”
Ayon naman kay Roxy Mathew Koll, isang climate scientist sa Indian Institute of Tropical Meteorology, “The warm ocean ‘is a key aspect contributing to rapid intensification of cyclones.’ Cyclone Freddy underwent rapid intensification seven times during its lifetime.”
© Agence France-Presse