Nasawi sa pagguho ng isang gusali sa France, umakyat na sa anim
Lumalabo na ang pag-asang makita pa mula sa guho ng bumagsak na gusali sa lungsod ng Marseille sa France, ang dalawa kataong nawawala habang nakarekober naman ang rescue workers ng tatlong katawan, kaya umakyat na ngayon sa anim ang bilang ng nasawi sa insidente.
Halos 48 oras makalipas maganap ang pagsabog sa apartment building, kung saan iniulat ng mga residente na nakaamoy sila ng gas, dose-dosenang civil defence staff na gumagamit ng drones, heat sensors at sniffer dogs ang naghanap ng survivors sa debris.
Sinabi ni Housing Minister Olivier Klein, na apat na katawan ang natagpuan. Subalit sa loob lang ng ilang oras ay inanusiyo ng emergency services na natagpuan ng rescue workers ang ika-lima at ika-anim na biktima.
Ayon sa mga imbestigador mula sa tanggapan ng prosecutor, “Work continues to identify the victims and experts have started work on determining the cause of the explosion.”
Binuksan na rin ng city prosecutors ang isang manslaughter investigation.
Dahil ang sunog ay nagpapatuloy pa rin sa ilalim ng guho, kaya nahihirapan ang mga aso na maka-detect ng survivors o mga bangkay.
Sinabi ng bumberong si Adrien Schaller, “The heart of the blaze is deep underneath and hard to reach with the hoses. And we can’t spray too much water to avoid creating a sort of mud.”
Ipinag-utos naman ni Marseille mayor Benoit Payan, na ilagay sa half-mast ang mga watawat sa town hall.
Sa isang prayer vigil na ginawa sa isang simbahan malapit sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog, sinabi ng cardinal-archbishop ng Marseille na si Jean-Marc Aveline, “Hope, even though it is dwindling, must remain until the end. Rescue workers were clearing away most of the rubble with an excavator, stopping as soon as they spotted an air pocket to continue the work by hand. It’s a race against the clock.”
Ang pagsabog at pabagsak ng gusali ay nangyari humigit-kumulang alas-12:40 ng madaling araw noong Linggo.
Sinabi ni Deputy mayor Yannick Ohanessian na ang pagsabog ay naramdaman sa buong Marseille. Aniya, “its sheer force had “potentially” destabilised nearby buildings. We must be vigilant.”
Dalawang katabing gusali ang lubhang napinsala, at isa ang gumuho noong Linggo ngunit wala namang nasaktan. Halos 200 residente ang inilikas mula sa lugar.
Ayon naman kay Arnaud Dupleix, presidente ng parents’ association sa kalapit na Tivoli elementary school “maraming pamilya ang natatakot.”
Noong 2018, walo katao ang namatay sa Marseille nang bumigay ang dalawang sira-sira nang gusali sa working-class district ng Noailles.
Ang naturang sakuna ay naging sanhi upang mapagtuunan ng pansin ang pamantayan sa pabahay ng naturang siyudad, kung saan sinabi ng mga aid group na 40,000 katao ang naninirahan sa hindi maayos na istraktura.
Subalit lumilitaw na hindi ibinibilang ng mga awtoridad ang isyu sa istraktura sa pinakabagong trahedya.
© Agence France-Presse