Nasawi sa wildfire sa Hawaii, halos 100 na
Inaasahang lalampas pa sa 100 ang bilang ng mga namatay sa Hawaii dahil sa pinakamapaminsalang wildfire sa Estados Unidos, na sanhi naman ng pagdami ng mga bumabatikos na ang kawalan ng aksiyon ng gobyerno ay nagdulot ng maraming pagkamatay.
Sinabi ng mga opisyal na 93 katao na ang namatay, ngunit nagbabala na malamang na tumaas pa ang bilang dahil patuloy pa rin ang recovery crews kasama ng cadaver dogs sa paghahanap ng mga biktima mula sa nasunog na mga bahay at mga sasakyan sa Lahaina.
Ang makasaysayang coastal town sa isla ng Maui ay halos ganap na tinupok ng sunog na mabilis na kumalat noong madaling araw ng Miyerkoles, kung saan sinabi ng mga nakaligtas na walang mga babala.
Lahaina’s historic Banyan tree remains standing behind the burnt-out former courthouse, but its survival is not certain / Patrick T. Fallon / AFP
Nang tanungin kung bakit wala ni isa sa mga sirena ng isla ang pinatunog, sinabi ni Hawaii Senator Mazie Hirono na hihintayin niya ang resulta ng isang imbestigasyon na inanunsiyo ng attorney general ng estado.
Sinabi ni Hirono, “I’m not going to make any excuses for this tragedy. We are really focused, as far as I’m concerned, on the need for rescue, and, sadly, the location of more bodies.”
Higit sa 2,200 mga gusali ang napinsala o nawasak sa pananalasa ng sunog sa Lahaina, ayon sa mga opisyal na pagtaya, katumbas ng $5.5 bilyong pinsala at libu-libo naman ang nawalan ng tirahan.
Ayon kay Maui Police Chief John Pelletier, “The remains we’re finding are from a fire that melted metal. When we pick up the remains… they fall apart. That was making identification difficult.”
Dahil dito ay nakiusap siya sa mga kaanak na magbigay ng DNA samples, upang mapabilis ang proseso.
Sinabi ni Pelletier na malawak ang lugar na hindi pa nagagalugad ng cadaver dogs, sa paghahanap ng posibleng daang katao pa.
Aniya, “We’re going as fast as we can. But just so you know, three percent — that’s what’s been searched with the dogs.”
Volunteers sort and organize donated supplies to distribute to fire victims in western Maui in Walluku, Hawaii / Patrick T. Fallon / AFP
Ang naturang wildfire ang pinakanakamamatay sa Estados Unidos simula 1918, nang 453 katao ang masawi sa Minnesota at Wisconsin, ayon sa nonprofit research group na National Fire Protection Association.
Ang bilang ng mga namatay ay lumampas sa nangyaring Camp Fire sa California noong 2018, na halos ikawala sa mapa ng maliit na bayan ng Paradise na ikinasawi ng 86 katao.
May mga katanungang bumangon sa kung gaano kahanda ang mga awtoridad para sa sakuna, sa harap na rin ng pagiging lantad ng mga isla sa mga natural na panganib tulad ng tsunami, lindol at marahas na bagyo.
Sa kanilang emergency management plan noong nakaraang taon, inilarawan ng State of Hawaii na “mababa” ang banta ng panganib ng wildfires sa mga tao.
Gayunman, ang mga warning system na ang layunin sana ay babalaan ang mga mamamayan kapag may dumating na sakuna, ay lumilitaw na hindi pinagana.
Ang Maui ay dumanas ng maraming pagkawala ng suplay ng kuryente habang nangyayari ang sunog, kayat maraming mga residente ang hindi nakatanggap ng emergency alerts sa kanilang cell phones.
Walang tumunog na emergency sirens, at ayon sa maraming mga residente ng Lahaina, nalaman lamang nila ang tungkol sa wildfire mula sa mga kapitbahay na nagtatakbuhan sa kalsada o sila mismo ang nakakita.
Kuwento ng 63-anyos na si Vilma Reed, “The mountain behind us caught on fire and nobody told us jack. You know when we found that there was a fire? When it was across the street from us.”
Sinabi ni Reed, na ang bahay ay isa sa mga nasunog, na umasa lamang siya sa bigay at kagandahang loob ng mga estranghero, at siya, anak na babae, apong lalaki at dalawang pusa ay natutulog lamang sa isang kotse.
Para sa ilang mga nakaligtas, ang mahirap nilang sitwasyon pagkatapos ng trahedya ay pinalala ng ayon sa nakikita nila ay kawalan ng kakayahan ng mga opisyal, kung saan ang mga roadblock ay humadlang sa kanila upang makabalik sa kanilang mga tahanan.
Ayon sa Maui police, hindi nila maaaring payagan ang publiko na bumalik sa Lahaina habang nagpapatuloy pa ang safery assessments at search operations, kahit pa para sa ilan na nakapagpatunay na doon nga sila nakatira.
Ilan sa mga residente ay ilang oras na naghintay para mapahintulutan sila na hanapin sa mga abo ang nawawala nilang mga alaga o mahal sa buhay, ngunit nagbabala ang mga pulis na ang sinumang papasok sa disaster zone ay maaaring pagmultahin o makulong.
Sinabi ni Hirono, “I understood about the growing anger and the frustration because we are in a period of shock and loss.”