Natalie Portman at Christian Bale, sentro ng atensiyon sa official trailer ng ‘Thor: Love and Thunder ‘

The Stunt Mjolnir Hammer used by Australian actor Chris Helmsworth in the 2011 film "Thor" is displayed at Propstore on May 9, 2022 in Valencia, California before auction next month. - The hammer is estimated to sell at between $100,000 - $150,000. (Photo by Frederic J. BROWN / AFP)

The Stunt Mjolnir Hammer used by Australian actor Chris Helmsworth in the 2011 film “Thor” is displayed at Propstore on May 9, 2022 in Valencia, California before auction next month. – The hammer is estimated to sell at between $100,000 – $150,000. (Photo by Frederic J. BROWN / AFP)

Makikita sa bagong inilabas na official trailer ng “Thor: Love and Thunder” ng Marvel, na nabigyan ng mas magandang papel ang ginagampanang karakter ni Natalie Portman na si Jane Foster.

Ilan sa mga clips ng bagong trailer ay nagpapakita na sa unang pagkakataon mula sa “Thor: The Dark World” ang ikalawa sa “Thor films, na mas nagkaroon na ng interaction ang mga karakter ni Chris Hemsworth at Natalie Portman.

Natalie Portman attends the 2022 Vanity Fair Oscar Party hosted by Radhika Jones at Wallis Annenberg Center for the Performing Arts on March 27, 2022 in Beverly Hills, California. Frazer Harrison/Getty Images/AFP 

Lumabas lamang si Portman sa archival footage ng “Avengers: Endgame” na siya ring huling beses na nakita ng mga tagahanga ng Marvel si Thor. Wala pang mga detalye kung paano magagamit ni Foster ang Mjolnir, ang nasirang martilyo ni Thor, ngunit malinaw na nananatili ang chemistry sa pagitan nila.

Ito naman ang unang appearance ni Christian Bale bilang villain ng pelikula na si Gorr the God Butcher, na nangakong lilipulin ang lahat ng mythology gods.

Actor Christian Bale attends The Ford v Ferrari Premiere at the Roy Thompson Hall during the 2019 Toronto International Film Festival Day 5, September 9, 2019, in Toronto, Ontario. 
VALERIE MACON / AFP

Karamihan, kung hindi man lahat sa mga eksena ni Gorr ay nakabalot sa grayscale na color grading, na malaking kaibahan sa makulay, ’80s syth vibe na ginamit sa “Thor” franchise mula nang hawakan ito ng direktor na si Taika Waititi — na muling nagbabalik para idirek at i-boses si Korg.

Makikita sa closing clip ng trailer ang karakter na Zeus ni Russell Crowe na hindi sinasadyang inalis ang robe ni Thor kaya tumambad ang kahubaran nito, medyo mature pa rin para sa isang Marvel o Disney film.

Tampok din sa bagong pelikula ang The Grandmaster ni Jeff Goldblum Sif ni Jaimie Alexander, Star-Lord ni Chriss Pratt, Nebula ni Laren Gillan, Mantis ni Pom Klementieff, Rocket Raccoon ni Bradley Cooper, Groot ni Vin Diesel at Drax ng Filipino-American actor na si Dave Bautista na mula sa Guardians of the Galaxy.

Ang “Thor: Love and Thunder” ay ipalalabas sa mga sinehan sa July 8.

Please follow and like us: