National Artist Levi Celerio itinampok sa Google Doodle ngayong kaniyang ika-108 kaarawan

Binigyang pagpupugay ng Google ang isa sa mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas na si Maestro Levi Celerio .

Ngayong araw, ginugunita ng bansa ang ika-108 kaarawan ni Celerio.

Sa google doodle ngayong araw , makikita ang larawan ni Celerio na nakasuot ng barong tagalog at mistulang lumilikha ng awitin at sa sandaling ito ay i-click makikita ang mas maraming impormasyon tungkol sa natatanging Filipino.

1910 nang isilang si Celerio at nakagawa ito ng mahigit 4,000 mga awitin.

Kabilang sa kaniyang mga likhang awitin ay ang mga tanyag na “Sa ugoy ng Duyan”, at “Saan ka man Naroroon”.

Kabilang din sa kaniyang natatanging talento ay ang paglikha ng mga tunog mula sa dahon, dahilan para siya ay maitala sa Guinness Book of World records bilang kaisa-isang “Leaf player” sa buong mundo.

1997 naman nang siya ay itanghal bilang National Artist for Literature and Music.

 

=============

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *