National Govt. magkakaloob ng P105 million para sa Baywalk project sa coastline ng Lingayen at Binmaley, Pangasinan
Magkakaloob ng karagdangang P105 million ang national government para sa nagpapatuloy na konstruksyon ng Baywalk project sa kahabaan ng coastline ng Lingayen at Binmaley.
Ayon kay DPWH District Engineer Rodolfo Dion, nakapaloob na sa naaprubahang National Expenditure Program ngayon 2018 ang nasabing halaga para sa patuloy na pagsasaayos ng Baywalk Project.
Ayon kay Dion, umabot na sa halos isang bilyon ang inilaang pondo ng national government para sa nasabing proyekto mula nang simulan ito noong 2013.
Nagsimula ang proyekto sa Limahong Channel sa bahagi ng baybayin ng Lingayen at ngayon ay umabot na sa baybayin ng Brgy. Buenlag at Pugaro sa Bibmaley na ngayon ay nasa 11 kilometro na ang haba.
Layunin ng pamahalaan sa pagkakatatag ng Baywalk project na palaguin ang turismo at negosyo sa baybayin ng Lingayen at Binmaley.
Ulat ni Nora Dominguez