National ID System hindi dapat gamitin sa diskriminasyon at human rights laban sa mga Muslim
Umapela si Senador Bam Aquino sa Local Government officials na huwag gamitin ang National ID System sa paglabag sa karapatang pantao at pag discriminate sa mga Muslim.
Kasunod ito ng plano ng ilang Local Government Units o LGU’s na magbigay ng ID sa mga Muslim para makatulong sa pagkilala sa mga indibidwal na may kaugnayan sa mga teroristang grupo.
Ang nabanggit na plano ng ilang LGU’s ay sinuportahan umano ng Dept. of Interior and Local Government at ni Philippine National Police Chief Gen. Ronald dela Rosa.
Pero paala ni Aquino, dapat gamitin ng tama ang Nationa ID System para protektahan at bigyan ng mga benepisyo ang publiko at hindi para i-discriminate ang ilang sektor.
Tiyak aniyang lilikha ito ng pagkakawatak watak sa mga Pilipino at mga Muslim bilang pagturing sa kanila na potential threat o banta sa seguridad ng bawat komunidad.
Ulat ni: Mean Corvera