National Land Use Law isinusulong sa Kamara
Dahil sa pananalasa ng mga kalamidad sa bansa itinutulak sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagkakaroon ng National Land Use law.
Inihain ni Davao City Congressman Paolo Duterte ang house Bill 3965 o National Land Use Act.
Sinabi ni Duterte na panahon na para protektahan ang mga komunidad sa mga Natural Disaster dulot ng climate change.
Ayon kay Duterte sa pamamagitan ng National Land Use law malinaw na matutukoy kung aling lupain ang para sa agricultural production, housing and settlement, energy development at industrial and commercial sites.
Inihayag ni Duterte sa sandaling maging ganap na batas ang kanyang panukala maitatag ang National Land Use Council na pangungunahan ng National Economic Development Authority o NEDA katulong ang Department of Environment and Natural Resources o DENR at Department of Agriculture o DA na tutulong sa mga local government units sa pagkakaroon ng climent resilent plan.
Vic Somintac