National Plebiscite Board of Canvassers, wala pang natatanggap na Certificate of Canvass
Wala pang natatanggap na certificate of canvass ang National Plebiscite Board of Canvassers para sa isinagawang plebisito sa ilang lugar sa Mindanao para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law.
Dahil dito, sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez na sa Huwebes sa ganap ng alas -dos ng hapon na lamang muling magko-convene ang National Board of Canvassers.
Dapat nitong Miyerkules ng ala una ng hapon magsisimula ang canvassing ng mga boto para sa BOL plebiscite pero ipinagpaliban dahil sa wala pang dumadating na COCs.
Apat na COCs mula sa ARMM, Cotabato City Basilan at Isabela City ang hinihintay ng Comelec para sa isinagawang January 21 plebiscite.
Sa ikatlong palapag ng Comelec Main office sa Palacio Del Gobernador sa Intramuros, Maynila isasagawa ang canvassing ng National Board of Canvassers para sa BOL plebiscite.
Ulat ni Moira Encina