National task force , inaasahan na ang pagbaba ng anti COVID-19 vaccination response ng publiko dahil sa pagbaba ng kaso ng COVID-19
Aminado ang National Task Force o NTF at National Vaccination Operation Center na bumaba ang bilang ng mga nagpapabakuna laban sa COVID-19 sa ibat-ibang panig ng bansa.
Sinabi ni NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez mula ng ilagay sa Alert level 1 ang maraming lugar sa bansa dahil patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19 bumaba narin ang bilang ng mga nagpapabakuna sa ibat-ibang vaccination center.
Ayon kay Galvez dahil din sa pagiging abala sa kampanya ng mga re-elected local officials kaugnay ng halalan sa Mayo hindi narin natutukan ang anti COVID- 19 vaccine program ng pamahalaan.
Inihayag ni Galvez nasa mahigit 66 na milyon pa lamang ang fully vaccinated ng anti COVID-19 mula sa 90 milyong target population na babakunahan hanggang sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo at mahigit 12 milyon pa lamang din ang nabigyan ng booster shot.
Nagbabala si Galvez sa mga hindi pa bakunado na kailangang magpabakuna dahil malaki ang posibilidad na muling lumobo ang kaso ng COVID-19 sa sandaling makapasok sa bansa ang Omicron XE.
Vic Somintac