Naval, Biliran nagpa-raffle ng baboy, baka at motorisklo para himukin ang mga residenteng magpabakuna
Para mapataas ang bilang ng mga magpabakuna kontra Covid-19 sa kani-kanilang lugar, kanya kanyang stratehiya ang ginagawa ng mga lokal na pamahalaan.
Isa rito ang bayan ng Naval sa Biliran, kung saan pinuri ng Department of Health ang ginawang pakulo ng lokal na pamahalaan nito.
Ang mga residente na nakatanggap na ng 2 dose ng Covid 19 vaccine ay maaaring makasali sa raffle kung saan ang maaaring mapanalunan ay baboy, baka, at motorisklo.
Dahil sa nasabing programa, tumaas umano ang bilang ng mga Navaleños na nais magpabakuna.
Ayon sa DOH, dahil sa nasabing programa, napataas na ang bilang ng mga nais magpabakuna ay nabigyan pa ng tulong ang kanilang mga mamamayan na ang pangunahing kabuhayan ay agrikultura.
Sa datos ng DOH, aabot sa 1,167 ang kabuuang bilang ng Covid 19 cases na naitala sa Biliran.
Sa bilang na ito, 26 na lamang ang aktibong kaso habang nakarekober na ang 1,121 at nasawi naman ay 20.
Madz Moratillo