Navalny documentary, wagi sa BAFTA
Isang pelikula tungkol sa Russian dissident na si Alexei Navalny, ang nakakuha ng best documentary prize sa BAFTA cinema awards ng Britain, sa gitna ng kontrobersiya na pinigilan umanong dumalo sa seremonya ang pangunahing contributor nito.
Ang Bulgarian investigative journalist na si Christo Grozev, isang matagal nang kritiko ng Kremlin, ay nag-tweet ng “wow” pagkatapos ng anunsyo ng pagkapanalo sa London, makaraang sabihin niya na siya ay “pinagbawalan” na dumalo nang personal.
Binigyang-pugay ng producer ng documentary na si Odessa Rae si Grozev, na nagsabing hindi ito makadadalo ds seremonya dahil sa “isang public security risk.”
Sinabi ni Odessa, “He gave up everything to tell this story, and other stories that need to be told.”
Si Grozev, na nanguna sa Russian investigator sa investigative website na Bellingcat at kinikilala na siyang tumulong sa pagbubunyag ng isang balak na patayin si Navalny, ay lumabas sa dokumentaryo.
Subali’t noong Biyernes ay nag-tweet ito at sinabi, “I had been surprised to discover that my whole family and I have all been banned by British police from attending this weekend’s BAFTA awards.”
Ang sinabi lamang ng Metropolitan police ng London, “some journalists face the hostile of foreign states whilst in the UK.”
Ayon sa BAFTA, ang kaligtasan ng kanilang mga panauhin ang kanilang prayoridad.
Sa Directors Guild of America awards sa Beverly Hills noong Sabado, ay sinabi ni “Navalny” director Daniel Roher, “Grozev had been ‘disinvited’ from the BAFTAs. The Russians are trying to kill him. He’s not allowed to go to Europe any more. It’s dramatically changed his life, changed his family’s life. The decision to keep Grozev away was ‘cowardly’ and ‘profoundly disappointing.’ Investigative journalists should not be penalized when they ‘expose the lies and corruption and genocidal tendencies’ of (Russian President) Vladimir Putin’s mafia.”
Si Navalny, ang pinakakilalang kalaban ni Putin, ay nakakulong sa nakalipas na dalawang taon sa isang maximum-security na bilangguan sa labas ng Moscow matapos mahatulan ng “embezzlement.”
Bago ito, siya ay nilason ng Soviet-made nerve agent na Novichok sa kaniyang biyahe patungong Siberia noong 2020 at inakusahan niya si Putin na nasa likod nito.
© Agence France-Presse