Navotas police chief sinibak kaugnay sa Jemboy slaying
Sinibak sa pwesto si Navotas City Police chief Police Colonel Allan Umipig kaugnay sa nangyaring pamamaslang sa disi-siyete anyos na si Jemboy Baltazar ng mga pulis dahil napagkamalan ito.
Kinumpirma ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr. ang pag-a-alis kay Umipig sa pwesto dahil sa nangyaring insidente.
Bukod kay Umipig, kasama ring inalis sa kani-kanilang posisyon ang 22 iba pang police personnel matapos irekomenda ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang paghaharap ng reklamo sa opisyal dahil sa umano’y dishonesty at command responsibility.
Ibinaba ni IAS Inspector General Alfegar Tiambulo ang utos sa NCRPO para sibakin sa posisyon ang Navotas Police chief.
Si Umipig umano ang nag-utos na tanggalin ang pangalan ng 11 police officers sa report ng pamamaslang kay Baltazar, batay sa report ni Triambulo.
Samantala, haharap naman sa reklamo ang labingisang pulis matapos iwanan ang labi ng biktima sa lugar, bukod pa sa mga paglabag sa police operations procedures.
Anim sa mga ito ay kinilalang sina Police Executive Master Sergeant Roberto Balais, Police Staff Sergeant Gerry Maliban, Police Staff Sergeant Antonio Bugayong, Police Staff Sergeant Nikko Esquilon, Police Corporal Eduard Blano, and Patrolman Benedict Mangada.
Kabilang sa kasong kakaharapin ng mga pulisa ang reckless impudence resulting to homicide, bukod pa sa administrative charges for grave misconduct at serious irregularity in performance of their duty.
Weng dela Fuente