NBA all-time points-scoring record, binasag ni LeBron James
Sa wakas ay nalampasan na ni LeBron James si Kareem Abdul-Jabbar bilang pinakamaraming naging score sa kasaysayan ng NBA, kung saan binasag niya ang 39 na taon nang record na pinaniniwalaan ng marami na hinding-hindi mahihigitan.
Dinaig ng Los Angeles Lakers star, na nasa kaniya nang 20th season sa NBA, ang napakatagal nang total ni Abdul-Jabbar na 38, 387 makaraan niyang maipako ang 21-foot shot sa huling bahagi ng 3rd quarter ng laban nila kontra Oklahoma City Thunder.
Itinaas ni James ang kanyang mga kamay, matapos magawa ang bagong record na 38, 388 habang umugong naman ang Crypto.com Arena sa hindi magkamayaw na kasiyahan ng mga naroroon.
Si Abdul-Jabbar, na nakaupo sa courtside, ay kabilang sa mga unang bumati kay James nang pansamantalang mahinto ang laro para saluduhan ang “iconic moment” sa NBA history.
Sinabi naman ni James sa mga manonood bago pinasalamatan ang kaniyang pamilya, mga kaibigan at fans, “To be able to be in the presence of a legend and great as Kareem it means so much to me. Everybody that’s ever been part of this run with me these last 20 years, I just want to say I thank you so much because I wouldn’t be me without all your help, all your passion and all your sacrifices to help me get to this point.”
Si James, na kalaunan ay natapos ang laro na may 38 puntos para sa career haul na 38,390, ay nagsabi kalaunan na inaasahan niyang magpapatuloy siya sa paglalaro ng hindi bababa sa dalawa pang season.
Aniya, “I know I can play a couple more years — it’s all about my mind. If my mind is still into it, if I’m still motivated to go out and try to compete for championships, I feel like I can still do that.”
Sinabi pa ni James, “I think it’s one of the greatest records in sports in general. I think it’s up there with the home run record in baseball. It’s one of those records that you just don’t ever see or think that would be broken.”
Marami sa NBA ang sumang-ayon, na naniwalang ang record ni Abdul-Jabbar ay “untouchable.”
Ayon naman kay Golden State coach Steve Kerr, “I think most of us back then thought that record would never be broken,” na ang tinutukoy ay ang record ni Abdul-Jabbar. “So to see LeBron do it over 20 years is pretty remarkable and a testament to not only his ability but his durability. He’s just a machine. He’s healthy and a physical force night after night.”
Naniniwal naman si Tyronn Lue, dating coach ni James sa Cleveland Cavaliers, na ang scoring record ang “crowning achievement” ng maningning na career ni LeBron.
Sinabi nito, “This has to be No. 1, seeing how long Kareem has held this record (since 1984). I know LeBron has his championships and MVPs. But to be the all-time leading scorer in NBA history, considering all the great players that have come through this game? That’s a big-time accomplishment.”
Samantala, tumanggi si James na sumang-ayon kung ang kaniyang scoring record ay mangangahulugan na dapat na siya ngayong ikonsidera bilang ‘greatest basketball player inn history.’
Ayon kay James, “I’ll let everybody else decide who that is. But it’s great barber shop talk.”
© Agence France-Presse