NBA champion Lakers, tinalo ng Suns
LOS ANGELES, United States (AFP) – Tinalo ng Phoenix Suns sa score na 113-100 ang kasalukuyang kampeon ng NBA na Los Angeles Lakers sa unang round ng playoffs, at isa sa nakatulong dito ang nagawang 47 puntos ni Devin Booker.
Ang superstar na si LeBron James ay nakagawa naman ng 29 puntos para sa Lakers, subalit hindi na nagawa ng koponan na maragdagan pa ang naturang puntos kayat nawala sila sa best-of-seven Western Conference series.
Ang huling defending NBA champion na napatalsik sa first round ay ang San Antonio Spurs noong 2015.
Ayon kay Booker . . . “That’s the only way we wanted it to be honest. We knew we weren’t going to get where we wanted to go without going through them, and it happened to be in the first round. It was a tough match-up all the way through. Once they got us down 2-1 we had to regroup and get everything right and we came in and we battled.”
Malinaw na ramdam ng Lakers na wala si Anthony Davis sa laro, dahil hindi ito nakasama
sa second half ng game four at sa buong game five dahil sa groin strain.
Si Davis na halatang apektado ng kaniyang injury, ay hindi naka-score sa wala pang anim na minutong itinagal niya sa loob ng court, na sinamantala naman ng Suns kung saan sa opening period pa lamang ng first quarter ay gumawa na ng 22 points si Booker.
@ Agence France-Presse