NBA Mavericks at Doncic, nagkasundo sa limang taong kontrata
Nagkasundo ang Slovenian NBA All-Star guard na si Luka Doncic at ang Dallas Mavericks, para sa limang taong contract extension na katumbas ng 207 million dollars.
Ayon kay Doncic . . . “Today is a dream come true. The game of basketball has given me so much and has taken me to so many amazing places. I am humbled and excited to remain in Dallas as part of the Mavericks.”
Si Doncic ang third overall pick ng 2018 NBA Draft. Siya rin ang naging pinakabatang MVP sa EuroLeague history ng 2017-2018, nang pangunahan niya ang Real Madrid sa pagkakamit ng isang titulo, bago siya nabili sa NBA Draft ng Atlanta Hawks.
Agad din naman siyang nalipat sa Mavericks mula sa Hawks kapalit ni Trae Young.
Si Doncic ay may average na 27.7 points, 8.0 rebounds at 8.6 assists kada laro sa nakaraang season, kung saan nakagawa ito ng 47.9 percent overall mula sa floor at 35 percent mula sa 3-point range.
Ayon kay Doncic . . . “I am commited to the organization and appreciate the suppport of my fans.”
Agence France-Presse