NBA reigning champ L.A. Lakers, tinalo ng Phoenix Suns
LOS ANGELES, United States (AFP) – Naka-score ng 34 points si Devin Booker, habang tinalo naman ng second-seeded Phoenix Suns ang kasalukuyang NBA champion na Los Angeles Lakers, sa Western Conference playoff series opener, kung saan natapos ang laro sa score na 99-90 pabor sa Suns.
Pinangunahan ni Booker na naglaro sa unang NBA playoff game ng kaniyang career, ang panalo ng Suns laban sa kasalukuyang NBA champion.
Sinuportahan naman siya ni Deandre Ayton, na nag-ambag ng 21 points at 16 na rebounds, habang si Mikai Bridges at Cameron Johnson ay nagdagdag ng tig-10 puntos para sa Phoenix.
Nagkaroon naman ng physical encounter nang magkainitan, sanhi para palabasin si Cameron Payne ng Suns sa fourth quarter at magpuntahan sa court kapwa ang players at backroom staff.
Tila nahirapan naman ang Lakers sa kabuuan ng laro, kung saan 18 points lang ang nagawa ni LeBron James, habang si Anthony Davis ay nakapag-ambag lamang ng 13 points.
Matapos makaungos ng Lakers ng limang puntos sa unang quarter, ang Suns na ang nanguna sa kabuuan ng laro kung saan napanatili nila ang isang double-digit cushion sa halos buong second half at nakaungos ng 16 points sa unang bahagi ng fourth quarter.
Ayon kay Booker . . . “It was a big win for us. Chris Paul went down early and I think that got our team locked in and understanding that every possession matters. We huddled up and said we’ve all got to give a little bit more.”
Sinabi pa ni Booker, na paghahandaan nila ang pagbawi ng Lakers sa game two.
Aniya . . . “They’re the defending champs. We know they’re going to come out and be ready to go, and I think we will be too.”
@Agence France Presse