NBI handang tumulong sa imbestigasyon sa sinasabing hacking sa COMELEC servers
Tiniyak ng DOJ na handa ang NBI na tumulong sa imbestigasyon sa sinasabing hacking sa servers ng poll body.
Pero sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sa ngayon ay hahayaan muna ng DOJ at NBI ang COMELEC na tapusin ang sarili nitong internal probe sa isyu.
Sakali naman aniyang kailanganin ang mas malawak na imbestigasyon at ang tulong ng NBI ay handa ang ahensya na tumugon.
Sa report ng isang pahayagan, sinabi na nagkaroon ng data breach o napasok ng mga hackers ang sistema at servers ng COMELEC noong Sabado.
Na-download raw ng mga hackers ang 60GB ng mga sensitibong impormasyon na maaaring magkompromiso sa automated elections sa Mayo.
Inihayag naman ng poll body na bago matapos ang linggong ito ay mailalabas na nila ang final report nila sa isyu.
Moira Encina