NBI isinasailalim sa forensic examination ang laptop na sangkot sa sinasabing breach sa sistema ng Smartmatic
Kinumpirma ng NBI na iniimbestigahan nito ang sinasabing security breach sa operasyon ng Smartmatic.
Una nang inihayag ni Senata President Tito Sotto na may kawani ang Smartmatic na naglabas ng laptop nito at hinayaang kopyahin ng isang grupo ang nilalaman nito na mga confidential na datos.
Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, isinasailalim na sa forensic examination ang nasabing laptop.
Tumanggi na idetalye pa ni Lavin kung anong mga datos ang posibleng nakompromiso.
Hindi rin kinumpirma ng opisyal kung nasa kustodiya ng NBI ang empleyado ng Smartmatic na nagsiwalat sa Senado ng sinasabing breach.
Moira Encina