NBI nagsampa na rin ng kasong carnapping at syndicated estafa sa DOJ laban sa mga sangkot sa rent-tangay scam
Nadagdagan pa ang kaso laban sa mga sangkot sa rent tangay scam sa DOJ.
Ito ay matapos sampahan ng NBI ng reklamong syndicated estafa at carnapping sa DOJ ang mga nasa likod ng car rental scam.
Kabilang sa ipinagharap ng reklamo sina:
Rafaela Anunciacion
Anastacia Cauyan
Eliseo Cortez
Sabina Torrea
Bienvenido Cruz
Marilou Vera Cruz
Pinagbatayan ng reklamo ang sumbong ng 46 na mga biktima na pawang mga may-ari at napagsanglaan ng sasakyan.
Sinabi ng NBI na pasok ang paglabag ng grupo ni Anunciacion sa syndicated estafa dahil higit sa lima ang mga respondent sa kaso.
Pasok din ito sa mga elemento ng carnapping dahil ang mga sasakyan ay isinangla nang walang pahintulot ng mga may-ari.
Malinaw din na ginamitan nina Anunciacion ang kanilang negosyo ng tinatawag na Ponzi Scheme na nagresulta sa panloloko sa mga car owner at investors.
Ulat ni: Moira Encina