NBI sinampahan na ng reklamong murder sa DOJ si Suspended Cong. Teves
Itinuloy ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsasampa ng reklamong murder laban kay suspended Negros Oriental Congressman Arnolfo Teves Jr. sa Department of Justice.
Bandang 10:30 ng umaga nang dumating sa DOJ ang mga taga-NBI sa pangunguna ni NBI Director Medardo Delemos para isampa ang reklamo kaugnay sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at siyam na iba pa noong March 4, 2023.
Kinumpirma ni Delemos ang reklamong isasampa laban kay Teves.
Bukod sa kasong murder, sinabi ni Justice Secretary Crispin Remulla na mahaharap din sa reklamong attempted murder at frustrated murder ang Kongresista.
Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay Degamo sa bahay nito sa Pamplona, Negros Oriental noong Marso.
Nabinbin ang nakatakdang paghaharap ng reklamo dahil ilan sa mga suspek na tumatayong testigo sa kaso ay tumanggi nang makipagtulungan sa otoridad.
Moira Encina