Higit 5k PDLs, may chronic illnesses; NBP hosp. kulang sa mga doktor
Aabot lamang sa apat ang doktor sa buong New Bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Dr. Ursicio Cenas, isa sa medical personnel sa Bilibid hospital, ang kakulangan sa mga doktor ang pangunahing problema nila.
Aniya, apat na doktor lamang sila. Bawat isa ay dumuduty sa loob ng 24 oras ng dalawa hanggang tatlong araw kada linggo.
Mahirap aniya ito lalo na’t daan-daang pasyente ang kailangan nilang harapin kada araw.
” I will be the only doctor going on 24 hour duty starting 7am today until 7am tomorrow just imagine the work that I am going to do for the rest of 24 hrs.” ani Dr. Cenas.
Sa pinakahuling tala, kabuuang 152 ang naka-confine sa Bilibid hospital.
Samantala, sinabi ni Cenas na karamihan sa Persons Deprived of Liberty (PDLs) ay dumaranas ng chronic illnesses.
Mayorya sa PDLs ay may hypertension na halos 3,000.
PDLs w/ Chronic Illnesses as of November 2023
Asthma – 622
Diabetes Mellitus – 1,051
Hypertension – 2,972
Mentally Ill – 57
Plhiv – 16
Pulmonary Tuberculosis – 417
Total: 5,275
Umaasa si Dr. Cenas na maging operational na rin ang bagong NBP Hospital na natapos noon pang nakaraang taon.
” It’s going to help us decongest if we transfer to the new hospital because its around 200 to 300 bed hospital it’s a big big hospital.” pahayag ni Dr. Cenas.
Moira Encina