NCR COVID positivity rate umakyat pa sa 22.7% – OCTA

Umakyat pa sa 22.7% ang 7-day positivity rates sa National Capital Region (NCR) nitong Mayo 6, 2023.

Sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na mas mataas itong 5.5% sa naitalang 17.2% noong April 29, 2023.

Bukod sa Metro Manila, nakapagtala rin ng higit sa 20% positivity rates ang apat pang lalawigan sa bansa kabilang ang Batangas, Bulacan, Isabela at Laguna.

Pinakamataas naman ang naitalang positivity rate sa Camarines Sur (45.1%)., sinundan ng Rizal (38.8%), at Cavite (35.3%),

Sa ulat ng Department of Health (DOH) nasa 19.9% ang nationwide positivity rate nitong Linggo, May 7, 2023.

Umabot naman sa 1,920 ang naitalang bagong kasong COVID-19, bagama’t walang iniulat nanamatay.

707 ang iniulat na recoveries samantalang 11,408 naman ang active cases.

Sa mga bagong kaso, Metro Manila ang may pinakamataas na infection o 784 at sa mga lungsod sa NCR, Quezon City ang nanguna na may 193, sinundan ng Maynila (85 kaso), Makati (68), Pasig (57), Paranaque (52), Mandaluyong (44), Caloocan (38), Las Piñas (36), Taguig (35), Pasay City (30), Muntinlupa (26), Valenzuela (22), Marikina (20), Malabon (18), San Juan (14), Navotas (8) at Pateros (1).

Weng dela Fuente

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *