NCR, mananatli sa GCQ simula Setyembre 1-30

PCOO

President Duterte, inanunsiyo na mananatili ang Metro Manila sa GCQ, kabilang na ang Batangas, Bulacan, Tacloban City at Bacolod City simula Set. 1 habang nasa MECQ ang Iligan City. Ang mga nalalabing bahagi ng bansa ay nasa MGCQ. /PCOO/

Mananatili sa General Community Quarantine ( GCQ ) ang Metro Manila simula ngayong araw, Setyembre 1 hanggang Setyembre 30, 2020.

Kabilang na rito ang mga probinsiya ng Batangas, Bulacan, Tacloban City at Bacolod City.

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ( IATF-EID ).

Nasa Modified Enhanced Community Quarantine  ( MECQ ) naman ang Iligan City habang ang mga nalalabing bahagi ng bansa ay mananatili sa Modified General Community Quarantine ( MGCQ ).

Patuloy naman ang paalala ng Pangulo na dapat pa rin sumunod ang mga mamamayan sa ipinaiiral na health protocols tulad ng palaging paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at physical distancing lalo na nga’t wala pa aniyang bakuna sa ngayon laban sa COVID-19.

Please follow and like us: