NCR muling nanguna sa listahan ng mga rehiyon na may mataas na bagong kaso ng Covid-19
Muling nanguna ang National Capital Region sa listahan ng mga rehiyon na may pinakamataas na bagong kaso ng virus infection.
Sa Covid-19 situation report ng Department of Health nitong Hulyo 21, ang NCR ay mayroong 693 bagong kaso ng virus infection.
Sinundan ito ng Central Visayas na may 606 new cases, Calabarzon na may 496 new cases, Central Luzon na may 394 at Ilocos Region na may 382 new cases.
Una rito, iniulat ng OCTA Research Team na nagsisimula ng magkaroon ng pagtaas sa reproduction rate ng Covid 19 sa NCR.
Ayon sa Octa, sa ngayon ang reproduction number sa Metro Manila ay tumaas na sa 1.15.
Ibig sabihin, mas bumibilis umano ang hawahan ng virus.
Matatandaang matapos magpatupad ng Modified Enhanced Community Quarantine sa ay bumaba sa 1 ang reproduction rate sa NCR.
Sa NCR ay may 2 kaso ng Delta variant ang naitala kung saan ang isa rito ay nasawi habang ang isa naman ay muling nagpositibo sa Covid-19.
Madz Moratillo