NCR, nananatili pa rin sa “low-risk” classification sa Covid-19 situation
Nananatili pa rin sa low risk classification ang National Capital Region.
Ito ay batay sa monitoring ng Epidemiology Bureau ng Department of Health (DOH) kung saan bagamat nakitaan ng positive 2-week growth rate ang NCR, ang Average Daily Attack Rate (ADAR) naman nito ay nasa less than 1 case per 100,000 population pa rin.
Maging ang healthcare utilization rate ng NCR ay nasa low risk pa rin.
Ayon naman kay Dr. Jose de Grano, Presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc., (PHAPI), maging sa kanilang mga miyembrong ospital, mababa na rin ang mga kaso ng Covid- 19.
Ang NCR at iba pang lugar sa bansa, mananatili sa Alert level 1 hanggang sa katapusan ng Hunyo.
Madz Moratillo