NCRPO Chief Oscar Albayalde, hinamon ang mga tatakbong barangay officials na magpa-drug test
Nakahanda na ang Philippine National Police para sa nalalapit na Baranggay at Sanguniang Kabataan elections sa Mayo 14.
Sa joint conference ng NCRPO at COMELEC NCR security conference na idinaos sa Quezon City, isa-isang nilatag ang preparasyon ng limang police district sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Chief Police Director Oscar Albayalde, aabot sa mahigit 15 libong pulis ang ipakakalat nila sa 730 polling centers sa NCR.
Subalit partikuolar na tutukan ang 53 ang identified critical areas sa NCR na ang karamihan ay nasa Caloocan, Navotas at Taguig.
Hinamon naman ni Albayalde ang mga tatakbong barangay officials na magpa drug test.
Itoy para patunayan sa kanilang mga constituents na hindi sila sangkot sa paggamit ng illegal na droga.
Sa harap na rin ito ng impormasyon na hindi bababa sa isangdaang baranggay officials ang nasa watchlist ng NCRPO.
“Hindi natin ma puwersa na mag undergo mga kakandidato. Ang sabi ko lang naman kung wala tayo tinatago bakit di natin ipakita sa publiko na tayong nagpa drug test. Kung di tayo involved sa paggamit ng droga”
Samantala, simula sa Sabado April 14, ipatutupad na ng PNP ang election gunban na magtatagal hangang sa May 21.
Kaya naman asahan na aniya ang pagpapaigting sa checkpoint operation sa ibat ibang lugar.
Nanawagan naman si Albayalde sa publiko na agad na ipagbigay alam sa kanila ang anumang banta sa seguridad sa nalalapit na eleksyon.
Ulat ni Mar Gabriel