NCRPO mas hihigpitan ang seguridad sa 2nd SONA ni Pangulong Duterte
Mas pinaigting na seguridad ang ipatutupad ng National Capital Region Police office o NCRPO sa ikalawang State of the Nation address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Hulyo 24.
Ito ay kasunod ng mga pagsalakay na patuloy na inihahasik ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA sa iba’t-ibang panig ng bansa.
Sinabi ni NCRPO Director Oscar Albayalde, kailangang higpitan ang pagbabantay sa komunistang grupo dahil na rin sa naging problema sa usapang pangkapayapaan.
Aabot aniya sa mahigit anim na libong mga pulis at mga sundalo ang kanilang idedeploy upang magbantay sa SONA.
Magkagayunman, nilinaw ni Albayalde na wala pa naman silang namomonitor sa ngayon na anumang banta sa SONA ng Pangulo.
Matatandaaang kamakailan ay nagdesisyon ang Pangulong Duterte na tapusin na ang peace negotiations sa National democratic Front o NDF matapos ikasa ng NPA ang mga pagsalakay nila sa iba’t-ibang mga lalawigan sa bansa.
(tonilaborte)