NCRPO, nagpatupad ng ‘Oplan Sita’ sa loob ng Camp Bagong Diwa

Photo: NCRPO-PIO

Upang patuloy na maipatupad ang disiplina sa hanay ng mga pulis na nakatalaga sa National Capital Region Police Office, ay ipinag-utos ni NCRPO acting regional director Brig. Gen. Jonnel Estomo ang pasasagawa ng ‘Oplan Sita’ sa loob mismo ng Camp Bagong Diwa.

Photo: NCRPO-PIO

Sa pangunguna ni regional headquarters support unit chief Col. Wilson Doromal kasama ang RHPU-NCR, CSS-RID, RFMB, Taguig City Police Station at Taguig Traffic Management Office, ay ipinatupad ang rules and regulation sa implementation ng RA 4136 o ‘Oplan Sita,’ sa bagong gate ng Camp Bagong Diwa.

Nasa 54 na mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) ang naisyuhan ng citation ticket bilang warning sa kanila dahil sa paglabag sa no decal, expired decal, no driver’s license, unregistered vehicle at paglabag sa article 5 ng Taguig City ordinance o ang failure to carry/show OR/CR registration.

Photo: NCRPO-PIO

Ayon kay Gen. Estomo, ang hakbang na ito ng NCRPO ay upang ipakita na kahit ang mga tauhan ng pulisya ay hindi exempted sa ipinatutupad na rules and regulation at mga ordinansa sa loob ng regional headquarters. Kasama na rito ang cleansing program ng PNP.

Virnalyn Amado

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *