“Neneng” lumabas na ng PAR; lahat ng tropical cyclone wind signals inalis na
Inalis na ang lahat ng tropical cyclone wind signals, dahil lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong “Neneng.”
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng bagyong “Neneng” ay tinatayang 335 kilometro kanluran hilagang-kanluran ng Calayan, Cagayan o 375 kilometro kanluran ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang lakas ng hanging 120 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometro bawat oras.
Sinabi ng PAGASA na ang induced southwesterly winds ay maaari ring magdulot ng paminsan-minsang pagbugso sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas at sa silangang bahagi ng Central Luzon, lalo na sa mga baybayin at bulubundukin/matataas na lokalidad ng mga lugar na ito.
Si “Neneng” ay patuloy na kikilos pakanluran sa West Philippine Sea hanggang bukas ng umaga, pagkatapos ay kikilos sa pangkalahatang direksiyon na kanluran timogkanluran para sa nalalabing oras bukas hanggang sa Miyerkoles ng umaga.