Nets, natakasan ng Celtics; Bucks at Miami Heat wagi rin sa kani-kanilang openers
Ang buzzer-beating layup ni Jayson Tatum ang nagdala sa dramatic 115-114 victory ng Boston Celtics laban sa Brooklyn Nets nitong Linggo (Lunes sa Maynila), sa first game ng kanilang NBA Eastern Conference playoff series.
Si Tatum nakaiskor ng 31 points para pangunahan ang Celtics, na hinadlangan ang isang fourth-quarter comeback bid ng Nets at kunin ang 1-0 lead sa best-of-seven series.
Nagdagdag pa ng walong assists at dalawang blocked shots si Tatum, habang nag-ambag din si Jaylen Brown ng 23 points, at sina Al Horford at Marcus Smart ay kapwa umiskot ng 20 puntos para sa Celtics.
Napanalunan din ng kasalukuyang champion na Milwaukee Bucks at Eastern Conference top seeds Miami Heat, ang kanilang playoff openers.
Tinalo ng Bucks, sa pangunguna ng NBA Most Valuable Player award contender na si Giannis Antetokounmpo, ang Chicago Bulls sa score na 93-86, at dinomina naman ng Heat ang Atlanta Hawks sa score na 115-91.
Si Duncan Robinson ay gumawa ng kabuuang game-high 27 points at binali ng Miami Heat ang opensiba ng Atlanta Hawks para makuha ang Game 1 ng first-round Eastern Conference playoff series sa FTX Arena sa Miami.
Si Robinson, ay nagbuslo ng walong 3-pointers sa kanilang 115-91 victory.
Ayon kay Robinson . . . “It’s always nice to throw the first punch, but in the grand scheme of things, it’s just winning Game 1. We still gotta come out in Game 2. They will make adjustments and we will as well. The important thing was the energy and effort we were flying around with, and the unselfishness.”
Ang Heat forwards na sina Jimmy Butler at P.J. Tucker ay umiskor naman ng 21 at 16 points, para sa kanilang panalo.