New Zealand limang buwan pang mananatiling sarado sa mga dayuhan
Inihayag ng New Zealand na mananatili pa rin silang sarado sa mga dayuhang manlalakbay sa susunod na lima pang buwan, habang unti-unting niluluwagan ang kanilang pandemic border restrictions.
Ayon kay New ZealanderCovid-19 Response Minister Chris Hipkins, ang mga kababayan nilang na-stranded sa Australia ay maaari nang makauwi simula sa kalagitnaan ng Enero at pagdating ng Pebrero ay makauuwi na rin ang lahat ng taga News Zealand na na-stranded naman sa iba pang mga bansa.
Subalit ang mga dayuhan ay kailangan pang maghintay ng hanggang sa pagtatapos ng Abril, para sa unti-unting reopening ng borders.
Ayon kay Hipkins . . . “We acknowledge it’s been tough, but the end of heavily restricted travel is now in sight. Under the new regime, travellers would self isolate for seven days provided they were fully vaccinated and passed a series of Covid-19 tests.”
Isinara ng New Zealand ang kanilang borders noong Marso ng nakalipas na taon, kung saan naging mandatory sa lahat ng mga dumarating na sa bansa na sumailalim sa dalawang linggong hotel quarantine, na kamakailan ay ginawa na lamang pitong araw.
Ang hakbang ay ginawa sa gitna ng tumitinding pressure mula sa overseas-based New Zealanders, na nasusuya na dahil makauwi sapagkat hindi makakuha ng quarantine room.
Ang border announcement ay ginawa habang ang New Zealand ay naghahanda na sanang baguhin ang kanilang domestic Covid-19 response para alisin na ang lockdowns, dahil tanggap na nilang ang lubhang nakahahawang Delta variant ay nakapako na sa kanilang komunidad.
Ang nauna nilang estratehiya para mapawi nang lubusan ang virus, ay nagresulta sa 40 lamang na namatay sa kalipunan ng limang milyong populasyon, ngunit aminado ang mga opisyal na ang pagpasok sa bansa Delta ay nangangahulugan na hindi na maaaring maabot ang goal.
Ayon pa kay Hipkins . . . “We acknowledged many New Zealanders wanted the border open for the holidays but it was not a realistic expectation. There continues to be a global pandemic, with case numbers surging in Europe and other parts of the world. So we need to be careful about reopening our border, that’s what we’re doing and what we’ve always done.”
Aniya, simula sa susunod na buwan, ang India, Pakistan, Indonesia, Fiji at Brazil ay hindi na ibibilang na “very-high risk countries,” kayat ang kanilang mga mamamayan ay maaari niyang magtungo sa New Zealand simula sa April 30.
Dagdag pa ni Hipkins . . . “There was a possibility ‘bespoke’ arrangements that would allow international students and Australians to travel before April 30 I cannot offer no guarantees.” (AFP)