NGCP, patuloy sa pagkukumpuni ng 70 transmission lines na naapektuhan ng bagyong Odette
Aabot sa 70 transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang naapektuhan ng bagyong Odette.
Kaya patuloy ang ginagawang aerial inspection at damage assessment ng NGCP.
Ayon sa NGCP, mataas pa rin ang tubig baha kaya hindi pa makumpuni ang 138 kilovolt line 2 sa Butuan -Placer at sa 69 kilovolt line sa Surigao del Norte.
Biktima rin ng ng mga nagtumbahang puno ang Butuan – San Francisco 138 kilovolt line sa Agusan del Sur.
Agad namang kinumpuni ang 69 kilovolt line na natumba sa Sta. Barbara – Miag-ao sa Iloilo.
Nanawagan ang NGCP sa publiko na huwag umasa sa mga fake news dahil halos 600 tauhan na nito at 2 chopper ang nakadeploy para maibalik ang daanan ng suplay ng kuryente sa: Samar, Leyte,Negros islands, Bohol, Cebu, Iloilo, Antique, Surigao, Agusan, Compostela Valley, Lanao del Norte at Misamis Occidental.
Gen Subardiaga