Nintendo at Pokemon Go creator, nagteam up para sa smartphone games
TOKYO, Japan (AFP) – Makikipagpartner ang Japanese games giant Nintendo sa US firm na nasa likod ng runaway hit na Pokemon Go, para mag-develop ng augmented reality smartphone games.
Ang first joint venture ng dalawang kompanya ay katatampukan ng half-vegetable, half-animal Pikmin characters ng Nintendo, sa isang laro na inaasahang ila-launch ngayong taon.
Sa pamamagitan ng augmented reality (AR) technology, ang images at animations ay magagawa nang i-superimpose sa real-world view na makikita sa rear camera ng isang smartphone.
Ito ang susi sa tagumpay ng Pokemon Go ng Niantic, na nagpakilig sa mga user sa buong mundo, sa pamamagitan ng paglitaw ng Pokemon characters sa iba’t-ibang lugar sa magkabilang panig ng mundo.
Sinabi ni Nintendo representative director Shigeru Miyamoto . . . “Niantic’s AR technology has made it possible for us to experience the world as if Pikmin are secretly living all around us. “
Ayon kay Miyamoto, creator ng Pikmin at iba pang sikat na Nintendo characters gaya nina Super Mario at Donkey Kong, ang bagong app ay ididisenyo para maging masaya ang paglalakad.
Dati ay atubili pa ang Nintendo na dalhin ang kanilang characters sa labas ng traditional consoles, patungo sa unti-unting nagiging popular na mundo ng smartphone gaming.
Subalit nitong mga nakalipas na taon, nagpalabas ito ng isang serye ng mobile titles, gaya ng “Super Mario Run” noong 2016 at “Mario Kart Tour” nito lamang 2019.
Ayon kay Hideki Yasuda, isang analyst sa Acw Research Institute . . . “The deal could help address complaints among investors that Nintendo hasn’t been able to earn much from smartphone apps.”
Sinabi naman ni Niantic CEO John Hanke . . . “As we continue to expand our games portfolio, it was a natural next step to team up with Nintendo. We’re looking forward to shaping the future of AR together.”
Lubhang nagging matagumpay ang Pokemon Go mula nang ilunsad ito noong 2016, ung saan kumita ito ng higit isang bilyong dolyar sa unang 10 buwan lamang ng 2020, ayon sa tracker Sensor Tower.
© Agence France-Presse