“No Disconnection” policy ng Meralco, extended hanggang May 14
Pinalawig pa ng Manila Electric Company (Meralco) ang “No Disconnection” policy hanggang May 14, 2021.
Ayon sa Meralco, ang nasabing hakbang ay upang bigyang konsiderasyon ang kani-kanilang mga customer kasunod ng pagpapalawig ng Gobyerno sa umiiral na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Sa loob ng mga nasabing panahon, ay walang mapuputulan ng kuryente na sinusuplayan ng Meralco.
Tiniyak din ng Meralco na magpapatuloy ang isinasagawa nilang meter reading at paghahatid ng Billing statement sa kani-kanilang mga customer.
Please follow and like us: