No-quarantine scheme para sa vaccinated travellers, palalawigin ng Singapore
Maaari nang pumasok sa Singapore ang fully vaccinated travellers mula sa walong mga bansa na hindi na sasailalim sa quarantine simula sa Martes, kaugnay ng pagluwag sa mga ipinatutupad na restriksiyon.
Binuksan na ng Singapore ang kanilang travel lanes para sa fully vaccinated passengers na galing sa Brunei at Germany noong Setyembre, at palalawigin pa ito sa Martes sa walong iba pang mga bansa na kinabibilangan ng Britanya, Canada, Denmark, France, Italy, the Netherlands, Spain, at Estados Unidos.
Ang travel lane sa South Korea ay sisimulan namang buksan sa November 15.
Sa ilalim ng polisiya, ang mga pasahero ay hindi na kailangang mag-quarantine kung sila ay fully vaccinated na at nagnegatibo sa Covid-19 bago ang kanilang departure at arrival.
Ayon kay Prime Minister Lee Hsien Loong . . . “Singapore cannot stay locked down and closed off indefinitely.”
Dagdag pa niya . . . “The Delta variant is highly infectious, and has spread all over the world. Even with the whole population vaccinated, we still will not be able to stamp it out. Almost every country has accepted this reality.”
Ang pahayag ay ginawa ni Lee nang i-anunsiyo niya noong October 9 ang mga panuntunan sa ilalim ng “Living with Covid-19” strategy.
Bukod sa pagpokus sa home care para sa mild at asymptomatic domestic cases, sinabi ni Lee na kailangan ng Singapore na muling buksan ang international travel.
Aniya . . . “We must continue to re-open our borders safely. Companies and investors need to carry out regional and global business from Singapore. People working for them need to travel to earn a living.”
Ang Singapore ay tahanan ng regional offices ng libu-libong multi-national corporations, na umaasa sa status ng bansa bilang isang business at aviation hub para sa kanilang mga operasyon.
Ang tagumpay ng vaccinated lanes project ay maaaring makapagpalakas sa recovery ng global aviation industry, na naapektuhan ng pandemya.
Ayon kay Philip Goh, Asia-Pacific vice president sa IATA aviation industry group . . . “We hope the positive actions taken by Singapore will spur other markets to similarly navigate their pathways towards restarting air travel.”