No sail zone, ipatutupad ng PCG sa bahagi ng Pasig River sa inagurasyon ni PBBM sa Hunyo 30
Inanunsiyo ng Philippine Coast Guard na isasara ang bahagi ng Pasig River sa mga sasakyang pandagat sa June 30 bilang bahagi ng seguridad sa inagurasyon ni President-elect Bongbong Marcos Jr. sa Maynila.
Partikular na ipatutupad ang ‘no sail zone’ sa Malacañang restricted area sa Pasig River.
Kaugnay nito, ipinakita at inihahanda na ng PCG ang mahigit 10 floating assets nito na idi-deploy sa Pasig River para sa maritime security sa June 30.
Hindi naman kasama sa ‘no sail zone’ ang Manila Bay.
Gayunman, naka-standby ang ibang malalaking pbarko ng PCG sa Manila Bay para sa kapayapaan sa lugar.
Tinatayang 500 tauhan ng PCG ang ipapakalat sa araw ng inagurasyon ni Marcos.
Kabilang na rito ang security forces, K9 groups at medical teams para sa maximum security support.
Samantala, inihayag din ni Coast Guard Commandant Admiral Artemio Abu na wala sila na anumang namomonitor na banta sa seguridad sa inagurasyon.
Pero, tiniyak ng opisyal na patuloy ang koordinasyon ng PCG sa PNP, AFP, at Presidential Security Group.
Moira Encina