‘No transaction’ day idineklara sa lahat ng first- at second level courts sa Dec. 23
Walang magiging transaksyon sa lahat ng first- at second-level courts sa December 23.
Sa sirkular ng Office of the Court Administrator, sinabi na idineklarang “no transaction” day ang December 23 para maiprayoridad ng mga first- at second-level courts at offices ang collation at pag-organisa sa mga court documents.
Ang mga nasabing dokumento ay kailangan para sa paghahanda sa mga imbentaryo at iba pang ulat sa susunod na taon.
Samantala, suspendido rin ang pasok sa mga hukuman at mga tanggapan nito sa December 24 at December 31.
Ito ay para naman sa isasagawang disinfection, paglilinis, at sanitation ng court buildings bilang pag-iingat pa rin laban sa pagkalat ng COVID-19.
Kaugnay nito, inatasan ng OCA ang lahat ng executive o presiding judges na matiyak na maisasagawa ang kinakailangang disinfection at maisaayos ang mga dokumento.
Moira Encina