No vaccination, no entry ipatutupad sa SEA Games

Ramon Fernandez (photo: pna.gov.ph)

Mahigpit na ipatutupad ng host country na Vietnam, ang “no vaccine, no entry” policy para sa 31st Southeast Asian Games o SEAG na nakatakdang ganapin sa Hanoi mula May 12-25, 2022.

Ayon kay Ramon Fernandez, chief-de-mission sa SEAG ngayong taon . . . “All delegation members, not just athletes and coaches, must have at least two doses of COVID-19 vaccines with the 2nd dose taken at least 14 days prior to the departure.”

Ang vaccine requirement ay bukod pa sa negative RT-PCR test result na dapat meron ang bawat isa sa miyembro ng delegasyon, para payagan silang makapasok sa Vietnam at makalahok sa mga kumpetisyon.

Para naman sa mga kamakailan ay tinamaan ng COVID-19, kailangan nilang mag-prisinta ng isang sertipiko o documentation of recovery.

Sinabi ni Philippine Olympic Committee president Abraham Tolentino, na muling pinagtibay ng Vietnam ang kanilang “firm commitment and readiness” na ituloy ang 11-nation biennial conclave.

Ayon kay Tolentino na dumalo sa online chiefs of mission meeting kahapon . . . “It’s certainly a go. Pre-Games formalities and timelines were presented, as well as soft copies of the Games, manual were distributed to the members.”

Dahil tapos na noong Enero 12 ang entry by numbers, sinabi ni Tolentino na itinakda ng Hanoi ang Feb. 12 bilang distribution date at March 12 bilang deadline para sa pagsusumite ng accreditation forms.

Ang deadline para sa pagsusumite ng entries by name ay itinakda rin sa March 12, at pagkatapos ay muling magpupulong ang chiefs-de-mission na posibleng face-to-face na kapag bumuti ang sitwasyon sa March 18.

Please follow and like us: