Non Communicable Disease, maiiwasan kung lilimitahan ang pagkain ng sagana sa fats- WHO
Hindi dapat na malabis sa 30 porsiyento ng total energy intake ang pagkunsumo sa mga pagkaing sagana sa fats.
Ito ay may malaking maitutulong upang maiwasan ang pagtaas ng timbang.
Bukod dito maiiwasan din ang pagkakaroon ng tinatawag na Non-Communicable Disease o NCD.
Kabilang sa NCD ay Cardiovascular diseases (tulad ng heart attack at stroke), cancer, chronic respiratory diseases (tulad ng chronic obstructed pulmonary disease at asthma) at diabetes.
Ayon sa World Health Organization o WHO, iba’t-ibang uri ng FATS ngunit mas mainam ang unsaturated fats kaysa saturated at trans fats.
Binibigyang diin pa ng WHO na dapat sanayin ang pagkain ng unsaturated fats.
Kabilang sa mga pagkaing ito ay isda, avocado, nuts, sunflower, soybean, canola at olive oils.
Samantala, kabilang naman sa mga pagkaing sagana sa saturated fats at dapat na iwasan o limitahan ay ang mga taba ng karne, butter, cream, cheese, mga fried foods, pre packed snacks, cookies, at bisquits.
Belle Surara