North American box office dalawang linggo nang dominado ng ‘Godzilla x Kong’
Nangunguna pa rin sa North American box office sa ikalawang linggo ng kaniyang pagpapalabas ang “Godzilla x Kong.”
Ang pelikula kung saan nag-team up ang higanteng gorilya at reptile upang iligtas ang kani-kanilang uri at ang sangkatauhan, ay kumita ng $31.7 million nitong weekend sa United States at Canada.
Pumangalawa naman dito na ang tinatayang kinita ay $10 million sa ticket sales, ay ang action film na “Monkey Man,” na ang bida at direktor ay ang British actor na si Dev Patel.
Ayon sa analyst na si David A. Gross, “The thriller, set in India, is ‘ultra-violent, driven by class differences, corruption and personal vengeance. Foreign stories do not always work in North America; it’s working here, it’s going to be very profitable.”
Nasa ikatlong puwesto ang “Ghostbusters: Frozen Empire,” na kumita ng $9 million.
Co-writer nito si Jason Reitman, na ang ama na si Ivan Reitman ang-direk sa unang “Ghostbusters” noong 1984.
Pang-apat ang horror film na “The First Omen,” na kumita ng $8.4 million sa North American cinemas.
Nasa ikalimang puwesto naman ang “Kung Fu Panda 4,” ang martial arts comedy ng Universal at DreamWorks Animation, na kumita ng $7.9 million.
Narito ang kukumpleto sa top 10:
“Dune: Part Two” ($7.2 million)
“Someone like you” ($3 million)
“Wicked Little Letters” ($1.6 million)
“Arthur the King” ($1.5 million)
“Immaculate” ($1.4 million)