North Korea nagpakawala ng hinihinalang artillery shots ayon sa Seoul
Nagpaputok ang North Korea ng serye ng artillery shots nitong weekend ayon sa militar ng Seoul, ilang araw matapos mangako ang lider ng NoKor na si Kim Jong Un na gagamit ng “power for power” para ipagtanggol ang seberenya ng kanilang bansa.
Ayon sa Joint Chiefs of Staff (JCS) ng South Korean military, naka-detect sila ng ilang “flight trajectories” na sa kanilang unawa ay mula sa North Korean artillery.
Sinabi ng JCS, na ang hinihinalang artillery shots ay pinakawalan sa pagitan ng 8:07 am (2307 GMT) at 11:03 am Linggo ng umaga, at binigyang-diin na namamalagi ang kahandaang militar ng Seoul sa pakikipagtulungan sa treaty ally nito na Estados Unidos.
Ang opisyal na Korean Central News Agency ng Pyongyang – na karaniwang nag-uulat sa matagumpay na weapons tests 24 na oras pagkatapos ng paglulunsad – ay hindi naglabas ng impormasyon sa artillery shot noong Linggo, o sa iba pang kamakailang paglulunsad ng missile.
Ang nuclear-armed North ay nagsagawa ng sunod-sunod na weapons tests ngayong taon, kabilang ang full range launch ng isang intercontinental ballistic missile sa unang pagkakataon mula noong 2017.
Seoul’s presidential national security office held a meeting to discuss the artillery shots late Sunday, and reaffirmed the South’s position of “responding calmly and sternly” to Pyongyang’s provocations, the office said.
Ang tanggapan ng pampanguluhan ng pambansang seguridad ng Seoul ay nagsagawa ng isang pagpupulong upang talakayin ang artillery shot noong Linggo, at muling pinagtibay ang posisyon ng South Korea na “tumugon nang mahinahon at mahigpit” sa mga probokasyon ng Pyongyang.
The presidential office added Seoul did not immediately release its findings on the suspected artillery fire on Sunday morning, as the shots were of a “traditional” type with relatively low altitude and short range.
Idinagdag pa ng tanggapan ng pampanguluhan na hindi kaagad inilabas ng Seoul ang mga natuklasan nito sa pinaghihinalaang artillery fire noong Linggo ng umaga, dahil ang mga putok ay nasa isang “tradisyonal” na uri na may medyo mababang altitude at short range.
Noong nakaraang linggo ay inanunsiyo ni Kim ang planong pagpapalakas sa military power ng North Korea, sa ginanap na tatlong araw na major political conference na natapos noong Biyernes.
Noong Linggo ay sinabi ni South Korean Defense Minister Lee Jong-sup, na palalakasin ng Seoul ang kaniyang defense capabalities, maging ang kaniyang security cooperation sa Washington at Tokyo, para labanan ang nuclear threat mula sa Pyongyang.
© Agence France-Presse